AKO MISMO, asan na?
Mahigit ng isang taon ang nakalilipas ng umusbong ang isang organisasyon na na nagnanais magsulong ng pagbabago sa ating bansa. Pagbabago na sisimulan natin sa ating mga sarili. Ito ay ang AKO MISMO. Ano nga ba ang ibigsabihin ng AKO MISMO? Muli kong binisita ang kanilang website, (www.akomismo.org) at tiningnan ang about us at eto ang nasusulat: AKO MISMO is about YOU… … making a stand and taking real action for the causes you believe in. Causes that you yourself can truly pursue to make a real, positive difference to your fellow countryman, to your country. It is for you who still dare to hope that life for millions doesn’t have to be a hopeless battle against problems like poverty, illiteracy, unemployment. It is for you who believe that not enough is being done about our country’s problems. And that to do right things, you’ll do them yourself. It is a movement where you can show your patriotism and compassion, and make these traits infectious. It’s about action that eradicates hopelessness in every Filipino. How hard will this be to accomplish? Well that will be entirely up to you. In AKO MISMO you get to choose the cause you wish to pursue. No cause is too small as long as it is a noble one. All we ask is that you make a pledge to do it. You yourself can pledge anything: from teaching English to your yaya’s kid, to making sure that your barangay is dengue-free. Or make a pledge to do your part in ending corruption, prostitution, illegal drugs or the inhumane treatment of animals. The choice is yours. No matter how small, as long as you pledge that you yourself will take action, it’s sure to make a big difference. Giving more hope for Filipinos to stop merely surviving, and start living. And it starts with you. MISMO yan. Kung ating babasahin, napakaganda ng layunin ng ako mismo, kaya para pasikatin ito, ang mga tao sa likod ng ako mismo, ay pumili ng mga sikat na pilipino sa kani-kanilang mga larangan na nais palawakin ang adhikain nito. Ilan na lamang dito sina Ely Buendia, Arnel Pineda, Maxene Magalona, Angel Locsin, Ramon Bautista atbp. Naging matagumpay ang stratehiyang ito. Maraming pinoy, lalong lalo na ang kabataan ang naging interesado na sumali sa ako mismo. Tanda ko pa, noong mga unang buwan ng website nila, sobrang dami ng nag sulat sa wall of commitments. Ang wall of commitments ay isang lugar kung saan isusulat mo ang iyong pangakong pagbabago na sisimulan mo sa iyong sarili. At nung binigyan ko ng oras para basahin ang ilan sa mga nakasulat, ay masasabi kong maraming Pilipino ang nagnanais ng pagbabago, at willing silang simulan ito sa kani kanilang mga sarili. Nagkaroon ng commercials, kumalat sa internet. Sa madaling salita, naging isang phenomenon ito… At sa tagumpay ni tinatamasa nito, naisip nilang magkaroon ng AKO MISMO DOG TAG DAY. Kung saan, ang mga pilipino ay maaaring makabili ng ako mismo dogtag sa maliit na halagang 40 at ang mapagbebentahan ay pupunta para sa donasyon. Marami ang pumunta sa ako mismo dog tag day. Isa na ako roon, at hindi lang pala dog tag ang iyong mabibili dun. Meron ding mga tshirt, maaari ka ring magsulat sa tunay na wall of commitments, magpapicture sa tarp ng mga celebrity at kung ano ano pa. Naririto rin ang mga beneficiaries at partners ng ako mismo… Isa na rito ang dynamic teen company ni efren penaflorida. Kilala natin siya bilang CNN hero of the year noong taong 2009, at proud na proud siyang ipakita na kasali siya sa AKO MISMO, dahil sa tuwing makikita ko sya sa telebisyon, hinding hindi nya nakakalimutang isuot ang kanyang dog tag. Nung sumapit ang gabi, nagkaroon din ng mga konsyerto. Ito na siguro ang main event, ang pasasalamat ng organisasyon sa mga pilipinong sumusuporta sa kanilang adhikain. Hindi ko natapos ang concert dahil sobrang gabi na ito… Pagkatapos ng dog tag day, patuloy pa rin ang suporta ng mga pilipino. Ngunit maraming gahaman ang nanamantala ng kasikatan ng ako mismo. Marami ang nagtitinda ng pekeng dogtags na sa sarili nilang bulsa ang punta ng kanilang kinita, ang iba naman ay bibili ng madami at ibebenta ng may patong para sila din ay may kita… Ilang buwan nagpatuloy ang ganung pangyayari. At sa paglipas ng buwan, tulad na lamang ng ibang bagay…. Pati ang AKO MISMO ay nakalimutan na. Kagabi ay muli kong binisita ang website ng ako mismo. Nakita ko at nagulat ako na hindi pa ito down. Pero kahit ganun, ang mga news sa homepage nito ay luma na. Sa kasalukuyang oras ko ng pagsusulat, mayrong nalakap ang website na 299,647 commitments. Pero ilan dito ay purong kalokohan… may mga nabasa akong “ako mismo magtuturo sa pilipino maglaro ng poptropica”, “ako mismo makikinig sa sasabihin mo”, “ako mismo magtuturo kay pacquiao ng english”. Marami rin naman ang hindi sumeryoso sa ako mismo. Masakit kung ikaw ay talagang naniniwala sa ako mismo. Ngunit hindi ba mas masakit isipin, na ang isang organisasyon na may magandang simula, ay unti unti na lamang nabaon sa limot? Maganda sana kung ito ay pinagpatuloy… Hindi ko alam ang nangyari kung bakit nawala na ang mga taong nasa likod ng organisasyon na ito. Pero sana naman ay muli nilang itaguyod ang bandera ng AKO MISMO, para mas marami pang Pilipino ang maka-alam sa layunin nito. Sigurado ko, ipusta ko man ang buhay ko, maraming Pilipino ang naghahangad ng pagbabago, at nais nila itong simulan sa sarili nila… after all, www.akomismo.org said: “no cause is too small , as long as it is a noble one”
Notes
-
gillpuyat likes this
-
taigafujiwara posted this
